Martes, Marso 22, 2011

palaisipan, kaya mo?

Mahilig ka ba sa palaisipan? Kaya mo bang sagutin ang aking mga katanungan? oh yeah..


              Astig talaga yung mga nakaisip ng mga palaisipan. Paano ba naman tipong joke yung tanong pag hinirit pero ang hirap sagutin.. yeah. Na-try ko na rin magtanong sa mga classmates ko ng palaisipan, kaso walang tumama dun sa tinanong ko hehe.


Ganito kasi yung tanong ko.
              May limang butiki, tumambling yung isa, ilan ang natira?


Sabi ni Jekka, Kim, Maggie at Weijen, apat daw.
sila Allen Dale at Jervin, lima.
Si William, dalawa.


                 Ako naman, tawa ako ng tawa habang tinatanong sila. Syempre tawa din sila ng tawa kahit di nila alam yung pinagtatawanan ko. hehe, baliw. Kaso parang gusto na din nila manapak habang tumatawa, hahaha. Nung sinabi ko na yung sagot na walang natira,  nagulat sila, bakit daw wala. Sabi ko naman, lima sila, tumambling yung isa kaya nalaglag. Bumilib naman yung apat, kaya pumalakpak sila, kaya yun sabay sabay silang nalaglag.yeah asteeg.
           
                 O, diba pangpilosopong tanong. syempre marami pa akong palaisipan try nyo ngang sagutan..(actually kahit ako di ko rin alam yung sagot eh,hehe).




-Umutang ako ng 50 pesos sa nanay ko at 50 pesos sa tatay ko. Tapos bumili ako ng t-shirt na 97 pesos, so may sukli pa akong 3 pesos. Ngayon nabalik ako ng piso sa nanay ko at piso sa tatay ko. Bale ,tag 49 pesos nalang utang ko sa kanila. Isipin mo P49+P49=98, plus yung piso ko, e di 99 lahat. Asan na yung  kulang na piso?


-May anim na mansanas sa isang basket, tapos anim na bata sa paligid nito. Kung lahat sila nakakuha ng tig-iisang mansanas, paanong may natira pang isa sa basket?

-May mama na naktira sa 10th floor ng isang building. tuwing umaga nage-elevator sya pababa to go to work. Sa gabi pag-uwi, nage-elevator sya: Pag may kasabay sya,kaya pag umuulan, deretso sya sa floor nya. Pero kung wala, lalabas sya ng 7th floor at naghahagdan papuntang 10th floor. Bakit kaya?
ANSWER
-What occurs once in every minute, twice in a moment, but never in a thousand years?
ANSWER 


-Sina Mary, Matthew at Mark ay nakitang patay sa sahig, sa paligid nila puro bubog, tubig at may bola. Paano sila namatay?
ANSWER 


-Sa isang bahay may nagbigting tao.Walang makitang tinuntungan nya. Meron lang tubig sa sahig at maliit na butas sa bubong. Paano sya napunta doon?
ANSWER 


-May pera si Juan.Pumasok sya sa 3 sabungan. May entrance fee na P20 sa unang sabungan, tumaya sya(manalo o matalo dudoble ang pera nya), paglabas may exit fee na P20. Ganun ang ginawa nya sa dalawa pang sabungan. Ngayon paglabas nya sa ikatlong sabungan wala na syang pera. Magkano ang pera ni Juan?
ANSWER 


-Ang ina ni Pedro ay namamalengke. Ang namamalengke ay may limang anak.
Si Angela,
Si Angelie,
Si Angelo,
At si Angelou,
Sino ang ikalimang anak ng namamalengke?
ANSWER 

Nakasalubong ni Mark ang kabarkada nya nung high school sa mall, may kasama itong bata. Tinanong nya ang kabarkada nya kung anong pangalan nung bata, sinagot sya at sinabing "parehas sila ng pangalan ng nanay nya" kaya binati ni Mark yung bata at sinabing " Kamusta na Lisa".. paano nya nalaman yung pangalan nung bata?
 ANSWER



Want more? Want more? Next time ulit. Sana ay natuwa kayo sa aking mga inihirit na palaisipan. yeah.

Palaisipan ba kamo? Mahulaan nyo kaya kung sino ang sino sa story na ito?

Biyernes, Marso 4, 2011

pick up lines

Bakit bentang-bentang ngayon ang mga pick-up lines??


Ang linyang "Perfect ka na sana, kaso may isang kulang sayo.. Apelyido ko" ang nag number 1 sa Ang Pinaka sa QTv chanell 11. Dahil dito nagkaroon ako ng idea na isipin kung bakit bentang-benta ang mga pick-up lines sa mga tao ngayon. Syempre yung bawat lines eh may touch of couriosity, mapapaisip talaga yung pagsasabihan mo tapos saka lang nla mage-gets na sweet pala yung line... o dehbah may effort!! bongga!! But di lahat ng pick-up lines eh bumebenta sa mga reciever. syempre may tamang line sa tamang tao, di naman lahat ng tao eh nakakasabay sa kakornihan mo..
        For example(na base sa totong karanasan),


Boy: miss, alien ka ba?? Sinakop mo kasi ang mundo ko eh..
Girl: lul, sipain kaya kita sa t**i!!!!


         O dibadibs, magpapacute ka na lang masisipa ka pa... tsk tsk tsk.. pero syempre may mga di sumusuko...


Boy: Miss magnanakaw ka ba?? ninakaw mo kasi ang puso ko eh..
Girl: G**o, sapak gusto mo! Tara nang makita mo hinahanap mo!!
boy: Dont worry miss nakita ko na ang hinahanap ko.. And its you...


   O dehbah.. Basag na humirit pa. Talagang try and try until you die hehehe..
            Another examples of pick up lines:


                     - Para kang bansang Pilipinas, dapat ka lang pag alayan ng buhay...
                     - Balakubak ka ba? Kase i cant get you out of my head eh..
                     - Cardiac arrest ka ba?? Kasi you leave me breathless..
                     - Sana masamang tao ka  na lang, para naman pwede mo na kong patulan..


   Bongga nga naman ang mga pick-up lines.. We all find it attractive kase may effort yung words, pinag isipan talaga. Kung baga sa figure of speech eh, Simile.. Imagination lang ang kelangan para ang isang word ay maging isang lovely phrase. Nagkakaroon din ng color at freshness yung simpleng bagay na maiisip mo na kung tutuusin eh walang connect sa love.. Mas bumilib din ako sa mga nakakaisip ng mga lines na yan(including me) kasi mga tambay, jejemon. mga highschool student o di kaya nga in love ang mga makakaimbento ng  creative na mga salitang nagbigay ng ibang twist sa pag express ng kani-kanilang mga nararamdaman...